emptypuppet

SCHOOL MEMORIES

Posted on: February 9, 2011

Dahil sa wala akong magawa, magkwekwento na lang ako. Haha.

  • KINDER ONE – Sa El Niño de Salambao ako nag-aral. D’yan sa may Sto. Niño, Parañaque. Kasama ko si Kuya sa school, pero Kinder 2 na siya non. Masaya sa El Niño kasi nasa isang room lang kami ng Kuya ko. Super bonding. Everytime tapos na yung recess namin, pipila na kami ng mga classmates ko. Lalabas kami ng room para sabay sabay kami magtutoothbrush, tapos palakihan kami ng bula galing sa toothpaste. Tuwing uwian, sinusundo kami nung tricycle na binabayaran ni mama every month. Pag-uwi ko sa bahay, babalik ulit kami ng school kasi…nalimutan ko yung bag ko. Haha. Basta yun, ang alam ko masaya ako nung Kinder 1 ako. 😀
  • KINDER TWO – Nilipat na ako ni mama sa isang Catholic school sa may Parañaque din, sa St. Andrew’s School. Ewan ko ba kung bakit ako dun nilipat ni mama. Eh kasi naman kilala ang St. Andrew’s na exclusive for boys. Meron namang school sa tapat nun, yung St. Paul na puro babae dati. Pero ayos lang din naman sa St. Andrew’s.. madaming boys!Hahahaha! Ayon, first day ko nun, umiiyak pa ako non. Hinatid kasi ako ni mama sa gate tapos biglang umalis. 😐 May baon pa nga akongdede nun, eh. 😀 Hanggang sa pag pasok ko ng room naiyak pa din ako. Tinawagan ng teacher ko si mama, eh nasa office na nun sa mama. Umuwi pa siya ng dahil sa’kin, hangga’t mag uwian andun lang si mama sa labas ng room. Wala pa masyadong kalokohan non.
  • GRADE ONE TO GRADE TWO – Hindi ko lam mga pangyayari sa level na ‘to.


  • GRADE THREE – Excited ako tuwing PE, kasi uso nun dati yung sapatos na may wheels. :)) Tuwing recess, may racing. :DD Kahit pinapagalitan kami nung guard, dedma lang. HAHAHA! Tapos nauso na din d’yan yungcleaners na pag tumakas ka pag pasok mo bukas na sa board na yung pangalan mo, nakalagay, “[insert your name here] escaping, minus 5 on conduct.” o kaya naman, ”[insert your name here] escaping, cleaner for one week.” Yung mga kalokohan sa level na ‘to hindi pa ganun kalala, gaya ng kumakain tuwing subject time. Malungkot din para sa’kin ‘tong level na ‘to kasi nung December 13, nasunugan kami ng bahay. Nagulat ako kinabukasan nasa Guidance letter yung pangalan namin ni Kuya. Tapos ang daming nag’donate ng mga gamit. :>
  • GRADE FOUR – Hagard ‘to. 😐 Whew, nasa dulo classroom ko. F! Pawis pawis ka na pag dating sa room. Big deal na sa’min yung best section, yung lahat ng matatalino nagsama sama sa isang room. Sasabog yung room sa sobrang dami ng matatalino sa loob. =)) Hindi kasi ako matalino, eh. Uso na din boyfriend sa level na ‘to, pero FYI lang, HINDI AKO KASALI DUN. Ito pa, uso index card. Dba, may seatmate ka? Parehas kayong may index card, tapos tuwing English subject na dapatspokening dollar ka. May nag salita ka ng tagalog, patay ka. Susulatan ka sa index card, kaya nga tuwing English time tahimik ang classroom. Walang gustong magsalita. =))) HAHAHAHAHA!
  • GRADE FIVE – Ayan, hindi na haggard. Unahan na classroom ko. ;>Pinaka memorable ‘to. Naalala ko pa, inis na inis kami sa adviser namin. (Andreans kilala niyo na siya.) Teacher namin siya sa English. Tuwing English na, lagi siyang wala o kaya naman half hour lang. May classmate ako, sobrang inis niya siguro kasi lagi siyang napapagalitan, tinapon niya yung index card (nakalimutan ko tawag dun) namin sa fish pond. Kinabukasan, late na kami pinauwi dahil nga sa lintik na index card na yon. Hindi malaman kung sino nagtapon. Yung seatmate ko, nagfflute pa kitang galit na galit na adviser namin. Ayun, napagalitan tuloy siya. Hinila siya sa polo pataas.
Advertisements
Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


  • None
  • No comments yet

Categories

Archives

%d bloggers like this: